^

Metro

Kuya nilapastangan ang ina, dinedo ng utol

-
Igalang mo ang iyong ama at ina.

Ito ang kautusang nilabag ng isang 45-anyos na lalaki na naging dahilan upang saksakin at mapatay siya ng kanyang nakababatang kapatid makaraang maasar na ang huli sa ginawang pagmumura ng una sa kanilang ina, kamakalawa ng gabi sa bayan ng Navotas.

Sa ulat ng Navotas police, ang nasawi ay nakilalang si Rey Pabustan, ng Phase 1-A, Dagat-Dagatan, Navotas sanhi ng apat na saksak na tinamo nito sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Si Pabustan ay nagawa pang isugod sa Tondo Medical Center ngunit hindi na ito umabot pang buhay.

Mabilis namang tumakas ang kanyang nakababatang kapatid na nakilalang si Sonny, 38, matapos ang ginawang krimen.

Base sa ulat ni SPO1 Alex Acusin, may hawak ng kaso, dakong alas-9:15 ng gabi kamakalawa nang maganap ang insidente sa bahay ng magkapatid.

Lasing na lasing umanong umuwi ng bahay ang biktima dahilan upang makatanggap ito ng sermon sa kanyang ina. Imbes na tanggapin ang pangaral ay sumagot pa ng pabalang ang biktima at hindi pa nasiyahan ay pinagmumura pa ang kanilang ina.

Narinig naman ito ng nakakabatang kapatid na si Sonny na hindi nagustuhan ang mga binitiwang salita ng kanyang kuya sa kanilang ina. Bunga nito, ay nagkaroon nang mainitang pagtatalo sa pagitan ng magkapatid hanggang sa mabilis na kumuha ng patalim ang suspect at apat na ulit na itarak sa katawan ng kanyang kuya.

Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang tumakas na suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ALEX ACUSIN

BUNGA

DAGAT-DAGATAN

IGALANG

IMBES

NAVOTAS

REY PABUSTAN

ROSE TAMAYO

SI PABUSTAN

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with