Police asset itinumba
December 17, 2002 | 12:00am
Patay ang isang 34-anyos na lalaki na pinaniniwalaang asset ng police matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki na sakay ng isang van, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Dead-on-arrival sa Bernardino Hospital ang biktima na nakilalang si Ricardo Teologo y Alquiloc, alyas Iking, may asawa at nakatira sa Santan St., Nomar II Subdivision, Brgy. San Bartolome, Novaliches, ng naturang lungsod.
Mabilis namang tumakas ang suspect na sakay ng isang L-300 van na walang plate number.
Batay sa ginawang imbestigasyon, dakong alas-9:15 ng gabi nang maganap ang insidente habang nanonood ng basketball ang biktima.
Isang lalaki ang lumapit dito at malapitang pinaputukan ito sa ulo hanggang sa humandusay.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay kilala umano sa pagiging police asset sa bentahan ng droga sa naturang lugar. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended