Wanted na Italyano tiklo sa BI
December 17, 2002 | 12:00am
Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Italian na nagtatrabaho bilang commercial model sa bansa na wanted sa Italy kaugnay sa kasong kriminal na kinasasangkutan nito.
Kinilala ni Immigration Commissioner Andrea Domingo ang nadakip na ramp model na si Christian Tucci, 27, na natunton sa isang cafe sa Greenhills sa San Juan.
Si Tucci ay sinasabing wanted sa kanyang bansa dahil sa panghoholdap sa isang bangko sa Rome at ang pagbaril at pagpaslang nito sa isang pulis na nagresponde sa nasabing panghoholdap.
Sinabi ni Domingo, bukod sa pagiging fugitive si Tucci ay ipapadeport din dahil sa pagiging undocumented alien nito na hanggang sa kasalukuyan ay hindi maipakita ang kanyang pasaporte, na ayon sa Italian Embassy ay kinansela na.
Idinagdag pa ni Domingo na itatala sa blacklist at ipagbabawal na si Tucci na makapasok sa bansa matapos ang kanyang deportasyon. (Ulat ni Jhay Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended