17 convicts 'lalaya' dahil sa musical concert
December 16, 2002 | 12:00am
Sa kauna-unahang pagkakataon ay may 17 kriminal na pawang mga sentensyado ang pansamantalang lalaya dahil sa isang musical concert.
Upang maiparating sa publiko kung ano ang buhay-selda bilang pagpapadama ng diwa ng Kapaskuhan sa Pambansang Bilangguan, isang konsiyerto ang ginawa ng may 17 convicted criminals at siyang kaunahan sa kasaysayan ng nasabing institusyon kahapon sa New Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa City.
Mula sa mga youth offenders na pawang nasa maximum security prison ang musical concert na may pamagat na Tanghalang Muntiay bahagi ng programa ng Department of Justice (DOJ) sa pakikipagtulungan ng NBP at Rotary Club South na nakabase sa Lipa City.
Ayon kay Bureau of Correction Director Ricardo Macala, layunin ng programa na maiparating ng mga bilanggo sa lahat ng mga taong nasa laya na ang masalimuot na buhay sa loob ng Pambansang Bilangguan, partikular ang sakit at hirap na malayo sa minamahal. Bahagi pa rin ng mensahe ang kahilingan na kahit sila ay mga kriminal ay bigyan ng pagkakataong makagawa ng kabutihan at makapag-bagong buhay.
Ang naturang musical concert ay nakatakda ring dalhin ng BuCor sa ibat ibang lugar kung saan ang mga audience ay hindi kapwa bilanggo kundi mga nilalang na hindi batid ang kahulugan ng buhay rehas. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am