'Simbomb' gabi tutukan sa mga simbahan
December 16, 2002 | 12:00am
Nagpahayag kahapon ng babala ang isang opisyal ng Western Police District (WPD) sa posibleng pag-atake ng mga terorista at itaon ito sa pagsisimula ng Simbang Gabi ngayon at mauwi ang opisyal na unang araw ng Kapaskuhan sa pagsabog o simbomb gabi.
Sinabi ni P/Insp. Norberto Esquibal ng Police Precint 3 na doble ngayon ang banta ng pagsabog at iba pang kaguluhan bunsod na rin ng pinagsanib at malawakang opensiba ng mga teroristang Abu Sayyaf (ASG) at New Peoples Army (NPA) sa buong Metro Manila at malaki ang posibilidad na magsimula ito sa ngayon.
Nabatid na ang pagkakaroon ng heightened alert ng pulisya, partikular sa WPD ay bunga na rin ng taun-taong karanasan ng mga ito sa karahasang nagaganap sa mismong bakuran ng simbahan habang ginaganap ang simbang gabi.
Sinabi ni Esquibal na noong simbang gabi nang nakaraang taon ay nakapagtala ng mahigit sa 10 kaso ng karahasan na kinabibilangan ng pagsabog, pamamaril, riot at iba pa na ang pangunahing may likha ay ang mga kabataang miyembro ng ibat-ibang fraternity.
"Kung noon ay mga kabataang armado ng pillbox, homemade grenade at iba pang uri ng pasabog ang nasa isip namin, ngayon ay mga propesyunal na terorista na ang iniisip namin na posibleng lilikha ng pagsabog, pahayag ni Esquibal.
Binanggit ni Esquibal, hepe ng bomb squad ng WPD-Stn 3 na ilang linggo na rin silang nakikipag-coordinate sa lahat ng mga church personnels at binigyan ang mga ito ng kaalaman kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag mayroong bomb threat.
Nabatid na ang paghahasik ng simbomb gabi ng mga terorista sa alinmang simbahan sa Metro ay kinumpirma ng isang military intelligence report base sa surveillance na ginawa ng mga ito sa mga posibleng grupo na pagmumulan ng gulo.
Nabatid na tau-tao ang gagawing pagbabantay ng mga awtoridad at ilan pang boluntaryong bomb experts sa napakaraming simbahan na dadagsain ng mga deboto dahil umano sa mahigpit at istriktong policy ng simbahan.
Maging ang pagkakaroon ng K9 bomb sniffing dogs sa loob ng simbahan habang nagmimisa ay hindi papayagan ng simbahan.
"Payag ang simbahan kung gagawin ang bomb search bago magisa, eh paano kung dumating ang may dala ng bomba sa kalagitnaan ng misa?" argumento ng isa pang WPD bomb squad member. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended