Tindahan ng paputok nasunog; P1-M naabo
December 15, 2002 | 12:00am
Tinatayang aabot sa P1M ari-arian at mga paputok ang naabo matapos masunog ang isang tindahan kamakalawa sa Valenzuela City.
Sa imbestigasyon ni SFO2 Dionisio dela Cruz Jr., na dakong alas-5 ng hapon nang magsimula ang sunog sa tindahan na pag-aari ni Agustin Reviera, 62, na matatagpuan sa #11 San Miguel, Balubaran ng nasabing lungsod.
Ayon sa ilang residente, nakita na lamang nila na nagliliyab ang unang palapag ng 2 storey building at kasunod ay malalakas na pagsabog na nagmistulang Bagong Taon.
Hinihinala ng mga awtoridad na ang apoy ay nagsimula sa kusina na mabilis kumalat at inabot ang naka-imbak na mga paputok.
Kasunod nito ay pagguho ng nasabing gusali at himalang hindi nadamay ang mga katabing kabahayan.
Sinasabi pa sa ulat, na nakatakda na umanong alisin kinabukasan ang nasabing mga paputok kung kayat sama-sama itong itinabi sa imbakan nang maganap ang sunog.
Wala namang naiulat na namatay o nasaktan sa insidente. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended