Ayon kay Transportation and Communication Secretary Leandro Mendoza na ang Megatren Line 2 ay nakatakdang buksan sa Abril 2003 na inaasahang makakabawas kung di man ay maresolba ang malalang daloy ng trapiko kapag ito ay rumatsada na.
Ang 13.8 kilometer mass rail system ay naglalayon mapabilis ang biyahe mula Marcos Highway sa Pasig at Marikina, Aurora Blvd., San Juan, Ramon Magsaysay Blvd., Legarda at Recto.
Sinabi naman ni LRTA Administrator Teddy Cruz Jr., na ang bagong dating na 16 coaches ay unang batch mula sa kabuuang 72 tren na nakatakdang ideliber ng Asia-Europe MRT 2 consortium sa pangunguna ng Marubeni Corp.
Ang nasabing tren ay patatakbuhin ng elektrisidad sa pamamagitan ng teknolohiya ng solid-state propulsion at makakayang bumiyahe ng hanggang 30 kilometro bawat oras sa pinakamabilis nitong takbo na higit matulin kaysa LRT1. (Ulat ni Joy Cantos)