^

Metro

Pagawaan ng pekeng SMBeer sinalakay

-
Posibleng nalansag na ng mga awtoridad ang isang sindikato na umano’y namemeke ng San Miguel Beer matapos madakip ang dalawang miyembro nito sa isang raid kahapon sa Navotas.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Justino Cabral, 52, at Gregorio Tecson, 17, kapwa tubong Lagumoy, Camarines Sur at stay-in worker sa pagawaan ng pekeng serbesa na nasa Lot 35, Blk. 28, Phase 2, Dagat-dagatan ng nasabing bayan.

Ayon kay NPDO chief, Sr./Supt. Marcelino Franco Jr., ang pagkakaaresto sa dalawa ay batay sa warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Benjamin Antonio ng Malabon-Navotas RTC, Branch 170.

Nabatid na ang sindikato ang siyang pangunahing supplier ng beer sa mga beerhouses sa buong CAMANAVA area.

Bandang ala-1 ng hapon nang salakayin ng tropa ng SWAT ng NPDO ang nasabing lugar at nahuli sa akto ang dalawang suspek na isinasalin ang isang uri ng serbesa sa bote ng SMB.

Sinasabing matagal na umanong nag-o-operate ang nasabing sindikato at marami na umanong nalokong mga beerhouses. (Ulat ni Rose Tamayo)

AYON

BANDANG

CAMARINES SUR

DAGAT

GREGORIO TECSON

JUDGE BENJAMIN ANTONIO

JUSTINO CABRAL

MARCELINO FRANCO JR.

ROSE TAMAYO

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with