Army Capt. lider ng KFR gang, 4 pa timbog
December 14, 2002 | 12:00am
Pinaniniwalaang nalansag na ng pulisya ang isang sindikato ng kidnap-for-ransom matapos na maaresto ang lider at apat na miyembro nito sa isang operasyon, kahapon ng umaga.
Nakilala ang mga naaresto na mga miyembro ng Pegarido Gang na sina Army Captain Marlon Victor Belarmino, alyas Jong, na sinasabing lider ng grupo; TSgt Ernesto Vasquez; Reynaldo Ybanez; Noel Duran Yap at ang tipster ng grupo na si Rey Molina.
Ang mga suspect ay prinisinta kahapon ni PNP chief Director General Hermogenes Ebdane.
Isinagawa ang operasyon kahapon ng umaga sa may Caltex gas station sa San Jose City sa Nueva Ecija matapos na makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na magsasagawa ng bagong pangingidnap ang grupo.
Isang tinedyer na anak ng isang kilalang trader ang planong dukutin ng mga suspect nang sila ay matunton ng pulisya.
Narekober sa mga nadakip ang isang UZI rifle, 2 cal. 45 pistol at isang sasakyan na gamit nila sa operasyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended