Erap umayaw muna na mag-swimming
December 14, 2002 | 12:00am
Ipinagpaliban muna ni dating Pangulong Joseph Estrada ang pagtungo sa Mother Ignacia Healing Center sa Lunes sa kabila ng pagpayag ng Sandiganbayan special division upang makapaghanda umano sa pagharap sa Senado sa Martes.
Sinabi ni Estrada sa isang press statement na hindi muna niya itutuloy ang planong pagbisita sa healing center upang makapaghanda umano sa pagharap niya sa imbestigasyon ng Senado sa susunod na araw.
"Mas importante para sa akin ang kapakanan ng ating bayan kumpara sa aking personal na pangangailangan," pahayag nito.
Inimbitahan ni Sen. John Osmeña, chairman ng committee on government corporations and enterprises, upang magbigay-linaw sa umano ay $14 milyong suhol ng kompanyang IMPSA upang maaprubahan ng gobyerno ang kontrata nito. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended