Ikinatwiran ni Acop na nangangamba umano siya sa kanyang kaligtasan dahil sa mga natatanggap niyang death threats at ang kanyang bahay sa loob ng Camp Crame ang pinakaligtas na matutuluyan niya.
Hindi naman binanggit ni Acop kung sino ang hinihinala niyang nagbabanta sa kanyang buhay, gayundin ang mga legal na aksyon na maaari niyang gawin para maiwasan ang pagpapaalis sa kanya.
Bukod kay Acop, binigyan din ng pamunuan ng PNP ng notice to leave ang mga opisyal na sina Chief Supt. Francisco Zubia at Chief Supt. Vic Batac, pawang mga nasa floating status.
Ikinatwiran naman ng PNP na ang naturang aksyon ay upang mapagbigyan ang ibang opisyales na kasalukuyang nakapuwesto sa mga opisina sa loob ng kampo na magkaroon ng matutuluyan upang masiguro na 24 na oras silang matatagpuan lalo na sa mga emergency situation.
Hindi naman nabatid kung nilisan na nila Zubia at Batac ang kanilang mga quarters matapos matanggap ang kanilang memo. (Ulat ni Danilo Garcia)