^

Metro

Carlo Muñoz kinasuhan ng carnapping

-
Labindalawang taong pagkakulong ang malamang na bunuin ng matinee idol na si Carlo Muñoz na gumaganap na bingi at pipi sa bagong soap opera sa Channel 2 ang "Bituin".

Ito ay kung mapapatunayan ng korte na may sapat na ebidensiya na magdidiin kay Muñoz sa kasong carnapping na isinampa dito ng PNP Traffic Management Group (TMG) sa Quezon City Prosecutor’s Office kahapon.

Si Muñoz ay inaresto ng Anti-Carnapping agents ng TMG noong nakalipas na Disyembre 4 dakong alas-9:15 ng gabi habang minamaneho ang isang nakaw na Mitsubishi Pajero sa panulukan ng Quezon Avenue at EDSA sa Quezon City.

Kinabukasan ito ay pansamantalang napalaya nang akuin ng aktres na si Nora Aunor na kasama nito sa tele-nobela na "Bituin" ang pangangalaga dito.

Nang mahuli ng mga tauhan ni TMG Chief Supt. Danilo Mangila ang aktor, sinabi nito na legal na nakuha niya ang Pajero mula sa isang kaibigan.

Pawang peke umano ang papel ng naturang sasakyan nang siyasatin naman ng mga awtoridad. Tampered din ang chassis at motor number ng naturang sasakyan.

Naberipika din sa Motor Vehicles Inspection Service na ang Pajero na minamaneho ni Muñoz ay nasa talaan ng mga nakaw na sasakyan.

Ang sasakyan ay nasa pag-iingat ngayon ng TMG.(Ulat ni Angie Dela Cruz)

ANGIE DELA CRUZ

BITUIN

CARLO MU

CHIEF SUPT

DANILO MANGILA

MITSUBISHI PAJERO

MOTOR VEHICLES INSPECTION SERVICE

NORA AUNOR

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with