^

Metro

Buntis nabaril ng pulis

-
Isang 25-anyos na buntis ang nasugatan makaraang mabaril ng isang pulis-Maynila, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa pige ang biktimang si Mia Reyes, ng Sapphire St., Tondo, Manila.

Samantalang ang suspect na pulis ay nakilala namang si PO3 Randy Ching, 33, na nakadestino sa WPD-Station 11.

Ayon sa ulat dakong alas-11:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima.

Nabatid sa biktima na dumating ang pulis na bigla na lamang nagsalya sa kanyang ka-live-in na si Edgardo at hinuhuli ito.

Inaalam umano niya kung bakit ito inaaresto subalit bigla na lamang naglabas ng baril ang pulis at nagpaputok at tinamaan ang biktimang buntis sa pige.

Gayunman, sinabi naman ng pulis na kasalukuyan siyang naglalamay sa burol ng kanyang ama ng marinig niya ang pag-aaway ng dalawa nilapitan niya ang mga ito upang awatin subalit bigla na lamang may nagpaputok ng baril at tinamaan ang biktima.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

AYON

CRUZ

EDGARDO

GAYUNMAN

INAALAM

ISANG

MAYNILA

MIA REYES

RANDY CHING

SAPPHIRE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with