Korean swindler nalambat ng Immigration
December 11, 2002 | 12:00am
Isang notoryus na Korean swindler ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) makaraang ireklamo ng mga kapwa niya Koreano sa pangakong aayusin nito ang kanilang naturalization bilang Filipino citizen kapalit ng malaking halaga.
Kinilala ni Immigration Commissioner Andrea Domingo ang nadakip na si Kim Jae Jong, alyas Steven Kim. Ang suspect ay dinakip ng intelligence operatives ng BI sa pinag-uupisinahan nito sa Aguirre Avenue, BF Homes, Parañaque City.
Si Kim ay isasailalim sa deportation proceedings dahil sa pagiging undocumented at ilegal nitong pagtatrabaho sa bansa base na rin sa reklamong iniharap mismo ng kanyang mga kababayan.
Si Kim na dating South Korean Army Major ay dinakip makaraang ireklamo ng dalawa niyang kapwa Koreano na sina Ong Young Pyo at Won Pyo Hong na kapwa hiningan nito ng malaking halaga kapalit ng paglakad sa kanilang mga papeles para maging Filipino citizens.
Bagamat nabigyan ni Kim ng naturalization at identification certificate ang dalawa na umanoy buhat sa BI, napag-alaman na peke ang mga ito.
Sangkot din umano ang suspect sa mail order bride business at kidnapping ng mga Korean tourist. (Ulat ni Jhay Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am