^

Metro

Hindi inimbita sa inuman, namaril: 3 kritikal

-
Kritikal sa pagamutan ang tatlong lalaki makaraang paulanan ng bala ng baril ng isang lalaki na nainis dahil sa hindi pag-imbita sa kanya ng mga biktima sa inuman, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City. Kasalukuyang ginagamot sa Valenzuela General Hospital ang mga biktimang sina Ariel Pancho, 27; Pedromano Santiago Jr., 27 at isa pa nilang kasamahan na hindi pa nakikilala. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na nakilalang si Jerry Mendoza, ng Kilometer 16 Flexo Road, Dalandanan ng nasabing lungsod. Sa imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-7:40 ng gabi, hindi kalayuan sa bahay ng suspect. Ayon sa ulat, nadaanan umano ni Mendoza na nag-iinuman ang mga biktima at labis itong nagtampo dahil sa hindi man lamang siya niyaya ng mga ito. Bumalik ang suspect sa umpukan ng mga biktima dala na ang isang baril at saka kinompronta ang mga ito kung bakit hindi siya inimbita sa inuman. Dahil sa pagkabigla ay walang nakasagot sa tatlo na lalong ikinainis ng suspect kaya mabilis nitong binunot ang baril at saka pinaputukan ng sunud-sunod ang tatlong biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

ARIEL PANCHO

AYON

BUMALIK

DAHIL

FLEXO ROAD

JERRY MENDOZA

PEDROMANO SANTIAGO JR.

ROSE TAMAYO

VALENZUELA CITY

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with