Sa 34 na pahinang desisyon na inilabas ni Judge Abednego Adre, ng QCRTC Branch 88 ang pinatawan ng parusang kamatayan ay si Angelo Zeta, samantalang ang kanyang misis na si Petronilla ay habambuhay na pagkabilanggo.
Bukod dito, pinagbabayad din ng korte ang mag-asawang akusado ng halagang P1.6 milyong danyos sa mga inulila ng biktima nilang si Ramon Garcia.
Base sa rekord ng korte, pumasok ang mag-asawang Zeta sa bahay ng pamilya Garcia na nasa General Tinio St., La Loma dakong alas-2:15 ng madaling araw noong Oktubre 28, 1995. Pagpasok pa lamang ng bahay ay agad nang pinagbabaril ng ilang ulit ng suspect na si Angelo ang biktimang si Garcia na noon ay bumababa sa hagdanan.
Ang biktima ay nagtamo ng ay 12 tama ng bala ng baril sa kanyang katawan at namatay makaraang isugod sa Chinese General Hospital. (Ulat ni Angie dela Cruz)