^

Metro

Killer ng PLDT lineman hinatulan ng bitay

-
Parusang bitay ang inihatol ng Quezon City Regional Trial Court sa isang mister, habang habambuhay naman ang hatol sa kasabwat niyang misis makaraang mapatunayang guilty sa kasong pagpaslang sa PLDT lineman may pitong taon na ang nakakalipas.

Sa 34 na pahinang desisyon na inilabas ni Judge Abednego Adre, ng QCRTC Branch 88 ang pinatawan ng parusang kamatayan ay si Angelo Zeta, samantalang ang kanyang misis na si Petronilla ay habambuhay na pagkabilanggo.

Bukod dito, pinagbabayad din ng korte ang mag-asawang akusado ng halagang P1.6 milyong danyos sa mga inulila ng biktima nilang si Ramon Garcia.

Base sa rekord ng korte, pumasok ang mag-asawang Zeta sa bahay ng pamilya Garcia na nasa General Tinio St., La Loma dakong alas-2:15 ng madaling araw noong Oktubre 28, 1995. Pagpasok pa lamang ng bahay ay agad nang pinagbabaril ng ilang ulit ng suspect na si Angelo ang biktimang si Garcia na noon ay bumababa sa hagdanan.

Ang biktima ay nagtamo ng ay 12 tama ng bala ng baril sa kanyang katawan at namatay makaraang isugod sa Chinese General Hospital. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGELO

ANGELO ZETA

ANGIE

CHINESE GENERAL HOSPITAL

GARCIA

GENERAL TINIO ST.

JUDGE ABEDNEGO ADRE

LA LOMA

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

RAMON GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with