30 ahas nasamsam sa Pasay
December 10, 2002 | 12:00am
Humigit-kumulang sa 30 pirasong ibat-ibang uri ng ahas ang natagpuan kahapon na nakalagay sa isang travelling bag sa harap ng isang simbahan sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.
Sa imbestigasyon ni PO2 Roderick Dean Carza, ng Criminal Investigation Division (CID) ng Pasay City police, dakong ala-1 ng madaling araw nang matagpuan ang bag na puno ng mga ahas sa harap ng Sta. Clara Parish Church na nasa Domingo St. ng nabanggit na lungsod.
Isang batang palaboy umano ang siyang nakakita sa bag at ng usisain nito ang laman ay bumulaga sa kanyang mga mata ang mga ahas kaya agad niya itong ipinagbigay alam sa mga opisyal ng barangay.
Malaki ang hinala ng pulisya na maaaring nakatakdang ipuslit ang mga ahas. Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya para mabatid kung sino ang may-ari nito.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Pasay City police ang mga nasamsam na ahas. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended