Obrero binurdahan ng saksak ng mga sintunado
December 9, 2002 | 12:00am
Pinatunayan ng isang obrero ang kasabihang ang biro man at duro ay maaaring mauwi sa dugo nang pagsasaksakin ito ng isang grupo ng kalalakihan na kaniyang binuska dahil sa pagkanta ng wala sa tono sa isang videoke kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ciriaco Soriano, 28 anyos at nakatira sa Moriones St., Tondo.
Sa imbestigasyon ng Western Police District (WPD)-homicide section, alas-12:45 ng madaling araw nang abangan ang biktima sa labas ng Paquitos restaurant sa kanto ng Moriones at Nicolas Sts.
Nagalit umano ang apat na hindi nakilalang lalaki sa biktima dahil habang kumakanta ang mga ito ay pinagtawanan sila ni Soriano dahil sintunado.
Lumabas ng restaurant ang mga suspek at inabangan ang biktima saka ito pinagsasaksak.
Isinugod ang biktima sa Gat Andres Bonifacio hospital subalit idineklarang dead-on-arrival sanhi ng tinamong malalim na saksak sa tiyan. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended