Ang mga dinakip ay kinilalang sina Cai Tsong Rong, 22; Jeffrey Lee, 22; Francis Yan, 27; Ming Xiao Yan, 23; Zheng Hua Yua, 21; Hua Zan, 17; Wu Gin Bu, 24; Hin Xing Qi, 50; Tony Tan at Jose Dimaculangan.
Ang mga nabanggit ay sinampahan ng kasong paglabag sa PD 1987 o pagbebenta ng unlicense vidiogram at non-registry sa VRB.
Nahaharap naman sa kasong direct bribery sina SPO4 Angel Palatao, nakatalaga sa Pasay Police Station at isang Tsinoy na si William Gan na umanoy nagtangkang manuhol sa raiding team leader na si P/Sr. Insp. Marlon Catan.
Nabatid sa report na dakong alas-7:30 ng umaga nang salakayin ng tatlong magkakasanib na grupo ang nasabing terminal matapos na madiskubreng lantaran ang pagbebenta ng pirated Compact Disks at Video CDs sanhi ng pagkakakumpiska ng may 70,000 piraso nito na tinatayang nagkakahalaga ng P5.2 milyon.
Nagtangka umanong suhulan ni Gan si Catan ng P20,000 para sa kalayaan ni Tan habang si SPO4 Palatao ay nagtangkang magbigay ng halagang P190,000 kapalit ng kalayaan nina Francis Yan, Xiao Yan, Yua at Zan.
May inilaan ang piskalya na P10,000 piyansa kada isang suspek para sa kanilang pansamantalang kalayaan. (Ulat ni Ellen Fernando)