13-anyos nalibing nang buhay sa basura
December 8, 2002 | 12:00am
Nalibing nang buhay sa ilalim ng bundok ng basura sa Payatas dumpsite ang isang 13- anyos na scavenger matapos na maatrasan at magulungan ng isang bulldozer, kahapon ng umaga sa Quezon City
Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang biktimang si Marvin Patilla, nakatira sa gilid ng dumpsite sanhi ng grabeng pinsalang tinamo sa katawan.
Selda naman ang kinahantungan ng suspect na si Danny Perez, 26, driver ng bulldozer habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban dito kaugnay sa naganap na insidente.
Sa ulat ni PO3 Venus Ormita ng traffic sector 5 ng QC Police Traffic Force, dakong alas-6 ng umaga nang maganap ang insidente sa Payatas dumpsite sa Brgy. Commonwealth QC.
Kasalukuyan umanong nagpapatag ng mga bulto ng basura ang suspect sa nasabing tambakan nang bigla nitong paandarin at paatrasin ang naturang bulldozer.
Hindi umano napansin ng naturang driver ang biktima na noon ay naghahalukay ng basura sa kanyang likuran at huli na lamang ng malaman niyang nasagasaan niya ang biktima.
Agad namang isinugod sa pagamutan ang binatilyo subalit hindi na naisalba pa ang kanyang buhay. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended