Ayon kay Henry Norreo, National Council Chairman ng KAMP, naglaho ang ispiritu ng Pasko kay Chairman Fernando nang iutos nitong dakpin at hulihin ang lahat ng mga katutubong mamamalimos sa mga lansangan ngayong yuletide season.
Binigyang diin nito na naging pabaya ang pamahalaan kayat naging mahirap at namamalimos na lamang ang naturang mga katutubo para lamang kumita at makakain.
Hindi nila umano kinukunsinti ang isang katutubo na mamalimos pero dahil sa kawalan ng trabaho at pagkakakitaan, nagagawa nilang humingi ng tulong sa publiko sa pamamagitan ng pamamalimos.
Una rito, kinondena ng KAMP ang ginawang pag-aresto at pagbibilanggo sa may 77 Mangyans mula Mindoro Oriental noong December 2000 na halos naghirap sa loob ng kulungan ng may apat na araw sa Tayuman Police detention cell. (Ulat ni Angie dela Cruz)