^

Metro

Paghuli sa mga katutubong pulubi, binatikos

-
Ipinagtanggol kahapon ng grupong Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (KAMP) ang mga katutubong pulubi sa mga lansangan sa Metro Manila na nauna nang ipinadadakip ni MMDA Chairman Bayani Fernando lalu na ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay Henry Norreo, National Council Chairman ng KAMP, naglaho ang ispiritu ng Pasko kay Chairman Fernando nang iutos nitong dakpin at hulihin ang lahat ng mga katutubong mamamalimos sa mga lansangan ngayong yuletide season.

Binigyang diin nito na naging pabaya ang pamahalaan kayat naging mahirap at namamalimos na lamang ang naturang mga katutubo para lamang kumita at makakain.

Hindi nila umano kinukunsinti ang isang katutubo na mamalimos pero dahil sa kawalan ng trabaho at pagkakakitaan, nagagawa nilang humingi ng tulong sa publiko sa pamamagitan ng pamamalimos.

Una rito, kinondena ng KAMP ang ginawang pag-aresto at pagbibilanggo sa may 77 Mangyans mula Mindoro Oriental noong December 2000 na halos naghirap sa loob ng kulungan ng may apat na araw sa Tayuman Police detention cell. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CHAIRMAN FERNANDO

HENRY NORREO

KATUTUBONG MAMAMAYAN

METRO MANILA

MINDORO ORIENTAL

NATIONAL COUNCIL CHAIRMAN

TAYUMAN POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with