^

Metro

Nakapatay sa hostage-taker kinasuhan

-
Sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang pulis na nakabaril at nakapatay sa hostage-taker na si Francisco Bonifacio na ikinasawi rin ng hinostage nitong si Rochelle Valeriano na naganap noong Huwebes ng Hapon sa Navotas.

Ayon kay Supt. Billy Beltran, hepe ng Navotas Police na nai-file na nila ang kaso sa Malabon Prosecutor’s Office laban kay PO2 Edgardo de Guzman.

Sinabi pa ni Beltran, na kahit tawag lang ng tungkulin ang ginawa ni de Guzman at hindi sinasadyang tumama ang bala ng 9mm sa biktima nang tumagos sa katawan ng target nitong suspect ay wala silang magagawa kundi sampahan ito ng kaso.

Sinisi naman ng ilang pulis na kasamahan ni de Guzman ang pamunuan ng PNP dahil sa ginawang pagpapalit sa inisyu sa kanilang service firearm na ngayon ay 9 mm na umano’y hindi angkop sa sensitibong "hostage rescue operation".

"Kapag kasi ang baril mo ay 9mm at full metal jacket pa ang bala talagang tatagos ito sa katawan ng tatamaan at posibleng madamay ang muling aabutan nito," paliwanag naman ni Chief Inspector Michael Angelo Zuniga. Humingi naman nang pang-unawa si Beltran sa magulang ng nasawing biktima na sana’y unawain ang naging aksyon ni de Guzman na binaril ang suspect makaraang makitang pinagsasaksak na nito ang batang bihag.

Magugunitang lumabas sa isinagawang awtopsiya na sa bala namatay ang bata at hindi sa may sampung saksak nito sa katawan buhat sa suspect na si Bonifacio.

Ito ay makaraang tumagos ang bala na tumama sa suspect sa karga nitong biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

BELTRAN

BILLY BELTRAN

CHIEF INSPECTOR MICHAEL ANGELO ZUNIGA

FRANCISCO BONIFACIO

GUZMAN

MALABON PROSECUTOR

NAVOTAS POLICE

ROCHELLE VALERIANO

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with