Teacher nilooban saka pinatay
December 8, 2002 | 12:00am
Nilooban at saka pinatay ng hindi nakikilalang mga suspect ang isang teacher sa Philippine Merchant Marine School (PMMS) sa Las Piñas City.
Nakilala ang nasawi na si Rufino de Guzman, 63, matandang binata at naninirahan sa 447 Ramos Compound, Barangay Talon 1 ng nabanggit na lungsod. Ito ay nagtamo ng maraming saksak sa kanyang katawan.
Samantala, mabilis namang nagsitakas ang hindi pa nakikilalang mga salarin matapos ang isinagawang krimen dala ang hindi pa mabatid na halaga ng salapi, mga alahas at mahahalagang papeles ng biktima.
Ayon kay SPO2 Roberto Alipalo, ng Criminal Investigation Division (CID), ng Las Piñas police may hinala sila na dalawang araw nang patay ang biktima at kahapon lamang nadiskubre ang bangkay nito ng magsimula nang umalingasaw ang masangsang nitong amoy sa mga kapitbahay.
Nabatid pa sa isinagawang imbestigasyon na maaaring alam ng mga suspect na nakatanggap ng bonus ang biktima kaya isinagawa ang panloloob dito.
Maaari ring nanlaban o kakilala ng biktima ang mga salarin kaya ito tuluyang pinatay.
Sa kasalukuyan, isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am