PNP, BJMP at BFP na magpapaputok ng baril sa Bagong taon sisibakin

Sisibakin sa serbisyo ni Interior and Local Government Secretary Joey Lina ang sinumang tauhan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP) na mahuhuling magpapaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Lina,agad niyang irerekomenda ang pagpapatalsik sa serbisyo at pagsasampa ng kaso sa sinumang tauhan ng nasabing ahensiya na irereklamo ng indiscriminate firing.

Sinabi ni Lina na hindi kailangan ang baril sa pagsalubong ng Bagong Taon o anumang selebrasyon dahil may nakatalagang lugar para sa gagamit ng paputok.

Maaari umanong itawag ng sibilyan sa Patrol 117 ang kanilang makikitang tauhan ng mga nasabing ahensiya na gumagamit ng baril. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments