15 miyembro ng ASG nagkukuta sa QC
December 6, 2002 | 12:00am
May labing-limang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang ibinulgar kahapon na kasalukuyang nagkukuta sa lungsod ng Quezon.
Ito ang nabatid sa pulisya base na rin sa ginawang pagtatapat ng isang nadakip na miyembro ng nasabing grupo.
Kasalukuyang nakapiit sa Criminal Investigation Unit ng CPD ang nadakip na si Muin Nasa, alyas Moner Munap, 22, tubong Jolo, Sulu at naninirahan sa Muslim Compound, Brgy. Tandang Sora, Culiat, Quezon City.
Ayon kay Chief Inspector Rodolfo Jaraza, chief ng DPIU matagal na umano nilang minamanmanan si Nasa na sinasabing miyembro ng naturang grupo.
Si Nasa ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC ng Isabela, Basilan.
Ibinulgar ni Nasa na may 15 pa silang mga kasamahan ang nagtatago ngayon sa lungsod, subalit hindi nito tinukoy ang eksaktong mga lugar.
Binanggit pa nito na lahat sila ay galing Basilan at nagdesisyon na magtungo sa Maynila matapos ang mainit na operasyon ng pamahalaan laban sa kanilang grupo. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended