^

Metro

8 Bangladeshi timbog sa BI

-
Nakatakdang ipadeport ng Bureau of Immigration ang walong Bangladeshi nationals, kabilang dito ang tatlong nasa watchlist ng Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa hinihinalang mga foreign terrorist habang papaalis ng bansa patungong Canada.

Inatasan ni Immigration Commissioner Andrea Domingo na magsagawa ng deportation proceedings laban sa mga dinakip na sina Mohammed Fakharuddin; Mohammed Sharifuzzaman; Mohammad Shahin; Mohammad Farukuzam; Mohammad Babarshah; Ali Osman; Munsur Rahman at Wahidul Alam na nakapiit ngayon sa BI jail sa Bicutan.

Ayon kay Domingo, naaresto ang mga nabanggit na dayuhan sa NAIA departure area bago makasakay sa Philippine Airlines patungong Vancouver, Canada.

Nabatid na dumating sa bansa ang mga dayuhan bilang mga transit passenger sakay ng Thai Airways mula Bangkok at nagpanggap na mga seaman. Nang maaresto ang mga ito, sinabing papunta sila sa Canada at doon nakahimpil ang barkong kanilang sasakyan.

Subalit sa isinagawang beripikasyon ng BI sa Canadian Port Authority napag-alaman na umalis na noon pang Setyembre 29 ang barkong binanggit ng mga ito at hindi pa bumabalik sa puerto.

Natuklasan din na may alteration ang pasaporte at seaman’s book ng mga dayuhan.

Tatlo sa mga ito ang sinasabing nasa watchlist ng FBI bilang mga suspected terrorist, ang mga ito ay sina Monsur Rahman; Mohammad Shabin at Ali Osman. (Ulat ni Jhay Quejada)

ALI OSMAN

BUREAU OF IMMIGRATION

CANADIAN PORT AUTHORITY

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

IMMIGRATION COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

JHAY QUEJADA

MOHAMMAD BABARSHAH

MOHAMMAD FARUKUZAM

MOHAMMAD SHABIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with