Pumatay ng hostage, todas sa pulis
December 6, 2002 | 12:00am
Dalawa katao kabilang dito ang isang 9-anyos na batang babae na hinostage ng adik nilang kapitbahay sa naganap na 30-minutong madugong hostage drama, kahapon ng hapon sa bayan ng Navotas.
Hindi na umabot ng buhay makaraang isugod sa Tondo General Hospital ang biktimang si Rochel Valeriano ng Bagong Barrio, San Jose ng nasabing bayan makaraang magtamo ito ng ibat ibang saksak sa katawan buhat sa kamay ng hostage-taker na si Bonifacio Francisco, 37, ng nabanggit ding lugar.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang pangho-hostage ay naganap sa may M. Naval St., dakong ala-1 ng hapon sa tabi ng ilog sa San Jose ng bayan ng Navotas.
Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na naglalaro ang biktima sa nasabing lugar ng bigla na lamang itong hablutin ng suspect na sinasabing sabog sa ipinagbabawal na gamot at armado ng patalim. Agad na hinila ng suspect ang biktima sa isang bangka na nasa tabi ng ilog at saka itinakas.
Sa puntong ito mabilis na humingi ng tulong ang mga residente sa pulisya na agad namang dumating sa lugar na pinangyayarihan ng hostage.
Halos hindi na nagawa pang makipagnegosasyon ng mga awtoridad dahil na rin sa nakitang pinagsasasaksak na ang biktima.
Wala nang nagawa ang mga pulis kundi ang paulanan na rin ng putok ng baril ang suspect.
Nang humupa ang putukan ay nasaksihang nakabulagta at patay ang suspect, habang mabilis namang isinugod sa pagamutan ang biktimang si Rochel subalit hindi na ito umabot pang buhay.
Nakatakda namang isailalim sa awtopsiya kapwa ang labi ng biktima at suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended