^

Metro

US kinasuhan ng mga biktima ng toxic waste

-
Kasong administratibo ang kinakaharap ngayon ng pamahalaang Estados Unidos matapos na magsampa ng asunto ang mga biktima ng toxic waste sa kanilang mga dating base militar sa bansa.

Sa isang press conference, sinabi ni Cora Fabros, miyembro ng Board of Directors ng People’s Task Force For Bases Clean Up na 36 na residente ng Subic Bay Naval Base at Clark Air Field ang nagsampa ng habla sa US Federal District Court na humihiling sa imbestigasyon ng presensya ng toxic waste sa dating base militar ng Amerika sa bansa.

Ayon kay Fabros, ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang Pilipinas ay magsasampa ng kaso laban sa Estados Unidos.

Ani Fabros sa isinampa nilang kaso ay maoobliga na ang puwersa militar ng US na magsagawa ng assessment sa Clark at Subic.

Aniya, hindi pera ang habol ng mga biktima sa isinagawa nilang pagsasampa ng kaso kundi ang pananagot ng US sa mga naging biktima nito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

AMERIKA

ANGIE

ANI FABROS

BOARD OF DIRECTORS

CLARK AIR FIELD

CORA FABROS

ESTADOS UNIDOS

FEDERAL DISTRICT COURT

SUBIC BAY NAVAL BASE

TASK FORCE FOR BASES CLEAN UP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with