Katulong ng mayor nabistong nagsiksik ng cellphone sa ari
December 4, 2002 | 12:00am
Hindi nakalusot sa mga prison guard ang katulong ng dating mayor sa Zamboanga del Norte na bagamat nakakulong na ay hinihinalang utak sa pagpaslang sa Rizal vice-mayor, makaraang mahulihan ito ng mamahaling cellphone na nakalagay sa kanyang ari habang dadalaw ito sa kanyang amo sa New Bilibid Prison (NBP), kamakalawa sa Muntinlupa City.
Ayon kay Bureau of Correction Director Ricardo Macala, ban na at hindi na papayagang makadalaw sa bilangguan si Merlinda Bondoc, katulong ni dating Rizal, Zamboanga del Norte Mayor Rey Yap na nasentensiyahan sa kasong pagpaslang.
Si Yap ay isa rin sa hinihinalang utak sa pagpaslang kay Rizal Vice Mayor Perfecto Cebedo na naganap dalawang linggo na ang nakakaraan sa may Fil-Invest, Barangay Alabang sa Muntinlupa.
Ayon kay Macala, naganap ang insidente dakong alas- 3 kamakalawa ng hapon. Dadalaw umano si Bondoc sa kanyang among si Yap nang mapansin ng ilang prison guard na kakaiba ang lakad nito at paika-ika.
Nagduda ang mga guwardiya sa kilos ni Bondoc kaya isinagawa nila ang masusing inspeksyon hanggang sa makita nila ang isang mamahaling cellphone na nakalagay sa isang napkin na nakapasak sa ari nito.
Kaagad na kinumpiska kay Bondoc ang naturang cellphone na pinaniniwalaang ibibigay nito sa among si Yap.
Dahil sa insidente, nag-utos si Macala na hindi na puwedeng dumalaw si Bondoc at maging ang dinadalaw nitong inmate na si Yap ay inilagay sa restricted status. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended