Nakilala ang mga nasugatan na sina Arlene Guerrero, 17, na nawakwak ang paa; Dante Dinglasan, 20; Julius Canlas, 17; Renalyn Bautista, 17; Rizalyn Pablo at Jebby Alabata, 21.
Ang mga biktima ay dinala sa magkahiwalay na pagamutan sa Ospital ng Maynila at Philippine General Hospital.
Nabatid sa ulat ng pulisya na naganap ang pagsabog dakong alas-9:30 ng gabi sa tapat ng Bonifacio Shrine ilang metro lamang ang layo mula sa Manila City Hall.
Sinasabing bago naganap ang nasabing paghahagis ng pillbox ay nagkaroon ng awayan sa pagitan ng magkalabang fraternity ang Samahang Bicolano at Tau Gamma Phi Fraternity sa loob ng nasabing campus.
Napag-alaman na nagtungo na lamang ang anim na miyembro ng Tau Gamma sa Bonifacio Shrine upang umiwas sa gulo subalit sinundan pa rin sila ng kalabang grupo.
Ilang sandali pa ay narinig ang malakas na putok hanggang sa makita ang duguan nang mga biktima.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.(Ulat ni Grace Dela Cruz)