Sa pagbabalik ni Vicencio sa City Hall, sinalubong ito ng mga opisyal ng barangay at head ng ibat ibang departamento sa pamahalaang lungsod.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Vicencio sa mga taong sumuporta sa kanya at hiniling din nito na tapusin na ang alitan sa pulitika at muli nilang ibangon ang Malabon.
Nangako rin ang nasabing alkalde na ipagpapatuloy niya ang kanyang mga proyektong hindi natuloy tulad ng CAMANAVA Mega Flood Control project at Socialized Housing na labis na kailangan ng mga residente sa Malabon.
Matatandaan na si Vicencio ay nasuspinde sa tungkulin noong Setyembre 2, 2002 matapos na paboran ang isinampang kasong graft ng mga konsehal na sina Maria Luisa Roque-Villaroel at Edilberto Torres sa Sandiganbayan Second Division na ipinatupad naman ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Base sa kasong isinampa ng dalawang nasabing konsehal, si Vicencio ay lumabag sa anti-graft and corrupt practices law dahil sa maanomalyang P120 milyon Malabon City Hall project. (Ulat ni Rose Tamayo)