QC shootout: 3 'Tirtir Gang' dedo
December 3, 2002 | 12:00am
Tatlong miyembro ng kilabot na Tirtir Gang kabilang ang umanoy lider ng grupo ang napatay matapos na maka-engkuwentro ang mga tauhan ng pulisya, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Nakilala ang mga nasawi na sina Lito Simon, alyas Boy Negro, sinasabing lider ng grupo, isang Boy Kidlat at Boy Ilonggo.
Ayon sa ulat, kasalukuyang nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga tauhan ng CPD-Intelligence Unit sa may MRT 1 sa North Avenue , Quezon City dakong alas-11:45 ng gabi nang mamataan ang kahina-hinalang kilos ng mga suspect.
Nabatid na una nang nambiktima sa Road 1, Project 6 ang mga suspect at muling umatake sa may istasyon ng tren.
Naaktuhan pa ng pulisya nang hablutin ng isa sa mga suspect ang bag ng isang babae na kabababa pa lamang ng MRT. Mabilis na hinabol ng mga pulis ang mga suspect na nakuha pang magpaputok ng dala nilang mga baril habang tumatakas lulan ng isang Nissan Sedan.
Dahil dito, hinabol ng mga pulis ang mga suspect hanggang sa mapilitan silang gumanti ng pagpapaputok sa grupo na ikinamatay ng tatlo.
Nabatid na ang mga napatay ay kumpirmadong miyembro ng Tirtir Gang na nagsasagawa ng operasyon sa CAMANAVA area at sa Quezon City. Ito rin umano ay responsable sa pagre-recruit ng mga kabataan na tinuturuan nilang mangholdap at gumawa ng ibat ibang krimen sa mga nabanggit na lugar.(Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest