^

Metro

14 anyos ni-rape ng schoolmates

-
Isang 18-anyos na estudyante ang inaresto habang pinaghahanap pa ang dalawang kaklase dahil sa panghahalay sa kanilang 14-anyos na schoolmate noong Biyernes.

Kasalukuyang nakapiit sa Central Police District-Station 6 ang suspek na nakilalang si Mark Ryan Bamba, 18, ng 571 Katarungan St., Brgy. Commonwealth,QC.

Tinutugis ng awtoridad ang dalawa pang suspek na sina Anthony Nazer Sultan, 18 at Ronaldo Retano, 18, pawang First Year High School at nakatira sa Diliman Liwanag, Old Balara, Tandang Sora sa nasabing lungsod.

Sa isinagawang pagsisiyasat ni Insp. Mila Billones, ng Women’s and Children’s Desk section ng CPD-Station 6, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon sa bahay ng suspek.

Nauna rito, niyaya umano ng mga suspek ang biktima na itinago sa pangalang Jean, first year high school, ng Holy Spirit, QC sa bahay ni Bamba.

Walang nadatnan na tao sa bahay ni Bamba kaya ang biktima at mga suspek lamang ang magkakasama.

Nagtimpla umano ng pomelo ang mga suspek hanggang sa mag-inuman at yayain si Jean.

Nang malasing ay saka pinagpasasaan ang katawan ng biktima.

Nang umuwi ang biktima ay nagsumbong sa kanyang ina hanggang sa magreklamo sa pulisya.

Nang maaresto si Bamba na umano’y ‘‘crush’’ ng biktima ay itinanggi nito ang akusasyong ginahasa niya ang biktima. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ANTHONY NAZER SULTAN

BAMBA

CENTRAL POLICE DISTRICT-STATION

DILIMAN LIWANAG

ELLEN FERNANDO

FIRST YEAR HIGH SCHOOL

HOLY SPIRIT

KATARUNGAN ST.

MARK RYAN BAMBA

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with