Agad din namang nahuli ang suspek na si Jerson Borris, 26, binata, tubong Butuan City at residente ng West Bank Floodway ng nasabing ring lungsod.
Nabatid sa ulat ni PO3 Lardie Ignacio na dakong alas-3 ng madaling araw ng maganap ang insidente ng panghahalay sa biktimang itinago lamang sa pangalang Amy.
Nabatid na kalilipat lamang ni Amy kasama ang kaniyang live-in lover sa paupahang kuwarto ng isang nakilalang Mang Rudy.
Iniwan pansamantala ng kaniyang live-in si Amy sa kuwartong ookupahin upang balikan ang iba pang kagamitan sa dating inuupahan.
Nang makatulog ito ay siya namang pagdating ng suspek na lasing na lasing at ng makita ang biktima ay may agad nitong sinunggaban at walang awa itong hinalay.
Ilang sandali makaraan ang krimen at habang nakatulog sa kapaguran ang suspek ay sinamantala ng biktima ang paghingi ng saklolo sa mga Barangay Tanod sa nasabing lugar at agad na dinakip ang suspek. (Ulat ni Danilo Garcia)