Lolo todas sa gulpi ng mag-aama
December 2, 2002 | 12:00am
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang 55-anyos na lolo nang pagtulungan itong bugbugin ng mag-aama makaraan ang isang pagtatalo hinggil sa kanal sa kanilang lugar kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) hospital sanhi ng sobrang bugbog sa katawan at dalawang saksak sa tiyan ang biktimang si Gregorio Francisco ng 36 Sampaguita St., Baesa ng nasabing lungsod.
Agad namang sumuko sa pulisya ang mag-aamang sina Vicente Aguilar, 53-anyos at mga anak at manugang na sina Aristotle, 27 at Jay Santiago, 26, na kapwa kapitbahay ng biktima.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng mga suspek.
Nabatid na ilang araw bago naganap ang insidente ay pinasementuhan ng biktima ang kalsada magmula sa tapat ng bahay ng mga suspek hanggang sa kaduluduluhan na sinasabing right of way ng mga taga-looban upang hindi na umano mahirapan ang mga ito sa pagtutulak ng kariton kapag umiigib ng tubig.
Napag-alaman na hinukay kahapon ng umaga ng mga suspek ang pinasementong daanan sa harap ng kanilang bahay upang maglagay ng kanal na ikinagalit ng biktima.
Agad na kinumpronta ng biktima ang mga suspek dahil sa ginawa ng mga ito na hindi umayon sa sinasabi ng una hanggang sa mapikon nakababatang suspek at pagtulungang bugbugin ang biktima.
Hindi na halos makagulapay sa bugbog ang biktima nang bigla-biglang sumugod pa ang nakatatandang suspek at ilang ulit na sinaksak ang biktima.
Natigil lamang ang kaguluhan ng makitang bumulagta ang biktima na sapo ang tiyan.
Ilang mga kapitbahay ng mga ito ang agad na dumalo at isinugod ito sa pagamutan, gayunman ay agad itong binawian ng buhay bago pa makarating sa MCU.
Samantala ay dala ang pagsisising sumuko agad sa pulisya ang mga suspek. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended