Life hatol sa sundalo na dumedo ng GRO

Hatol na habambuhay na pagkabilanggo ang ipinataw ng Pasig City Regional Trial Court sa isang Army Master Sgt., matapos mapatunayang napatay nito sa gulpi at pamamalo ang isang 18-anyos na guest relations officer (GRO) may dalawang taon na ang nakaraan.

Kasabay nito ay inatasan rin ni Judge Leili Suarez Acebo si Master Sgt. Gregorio Timosa na bayaran ng halagang P200,000 bilang danyos ang pamilya ng biktimang si Michelle Nora.

Batay sa rekord, ang biktima ay pinaslang noong nakalipas na Abril 10, 2000 dakong alas-3:20 ng madaling araw sa may Fort Bonifacio Development Authority sa pamamagitan ng pagbagsak sa ulo ng biktima ng isang malaking bato habang ito ay namimilipit sa sakit matapos ang panggugulpi ni Timosa. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments