^

Metro

Kamera ng fotog pinakumpiska ng solon

-
Dahil sa pag-aakala ng isang kongresista na gagamitin sa pag-ambush sa kanya ang kinuhang litrato ng isang photographer, ipinag-utos sa security force ng Kongreso na kunin ang film ng kamera ng huli.

Hindi nagustuhan ni Nueva Ecija Rep. Raul Villareal ang biglang pagkuha ng litrato sa kanya kahapon ng umaga ni Ramon Estabaya, photographer ng Abante.

Bagaman at naging mabilis ang pagkilos ng security force ng Kamara de Representante na kunin ang film ni Estabaya, hindi ito natuloy dahil sa pagsaklolo ng ilang mamamahayag.

Nang makita ang mga tumulong na mamamahayag, biglang kumalma naman si Villareal at pumasok agad ito sa Session Hall ng Kongreso.

Sinabi ni Estabaya na napagkamalan lamang niyang si Caloocan Rep. Edgar Erice si Villareal kaya niya ito kinunan ng litrato para sa file ng kanilang dyaryo.

Tiniyak din nito sa kongresista na hindi niya gagamitin ang larawan sa masamang bagay.

Ipinaliwanag naman ng mga guwardiya na sumusunod lamang sila sa kautusan ng kongresista dahil nabigo si Estabaya na magpakita ng identification cards. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

ABANTE

CALOOCAN REP

EDGAR ERICE

ESTABAYA

KONGRESO

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

NUEVA ECIJA REP

RAMON ESTABAYA

RAUL VILLAREAL

SESSION HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with