^

Metro

Mayor Tsong sasailalim sa 'psychological test'

-
Nakatakdang sumailalim sa psychological test si Parañaque City Mayor Joey Marquez sa susunod na linggo para patunayan na matino ang kanyang pag-iisip ng pakasalan niya ang aktres na si Alma Moreno.

Sinabi ni Marquez na siya mismo ang nag-schedule sa kanyang sarili.

"Naiinip na nga ako. Pero para patunayan ko sa lahat na hindi sira ang ulo ko, uunahan ko na sila magpatingin. Sigurado akong papasa ako sa test", dagdag pa ng komedyanteng aktor.

Binanggit pa nito, na hindi siya nahihiya na sumailalim sa ganoong uri ng eksaminasyon, kasabay ng pagsasabing nais niyang patunayan na hindi siya gaya ng sinasabi ng iba.

Si Marquez na handa umanong ipagdiwang ang Pasko nang nag-iisa kasama ang kanyang mga anak.

Magugunitang si Marquez ang siyang nagharap ng annulment sa kanyang kasal kay Moreno kamakailan matapos na sumabog ang mga ulat na si Moreno ay may relasyon sa isang disc jockey sa Cebu. Itinanggi naman ito ni Moreno kasabay ng pagsasabing iniharap lamang ito ni Marquez para na rin sa pakikipagrelasyon nito sa TV host na si Kris Aquino.

Ang kaso ay dinidinig sa sala ni Parañaque executive judge Helen Ricafort. (Ulat ni Nikko Dizon)

vuukle comment

ALMA MORENO

BINANGGIT

CEBU

CITY MAYOR JOEY MARQUEZ

HELEN RICAFORT

KRIS AQUINO

MARQUEZ

MORENO

NIKKO DIZON

SI MARQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with