Sekyu nagbaril sa harap ng girlfriend
November 29, 2002 | 12:00am
Tinotoo ng isang security guard ang banta nito sa kanyang kasintahan na magpapakamatay sa oras na siya ay hindi balikan, nang tuluyan itong magbaril sa sentido, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Namatay noon din si Salvador Yabao, 19, ng Sure Shock Security Agency at nakadestino sa isang supermarket makaraang magbaril sa sarili.
Batay sa imbestigasyon ng CPD-Criminal Investigation Unit dakong alas-11 ng gabi nang makipag-inuman pa si Yabao sa kanyang mga kaibigan at inilabas nito ang sama ng loob sa umanoy pakikipaghiwalay ng kanyang kasintahan na nakilalang si Pichie Sara, 19, ng nabanggit ding lungsod.
Hindi umano matanggap ng biktima ang pakikipag-break ni Sara.
Dakong alas-12:30 ng madaling araw nang ipasya ng biktima na magtungo sa bahay ng kasintahan para makipag-ayos.
Subalit matigas umano ang desisyon ng babae na tuluyan na itong hiwalayan dahil sa pagiging babaero nito. Dito nagalit si Yabao at nagbantang magpapakamatay, subalit hindi naman ito pinansin ni Sara. Ganoon na lamang ang pagkabigla ng babae nang bunutin ni Yabao ang baril sa baywang at itutok sa sentido at saka pinaputok.
Halos natulala ang binabalikang kasintahan nang bumulagtang tuluyan ang sekyu sa kanyang harapan. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended