^

Metro

LIA naghugas kamay sa palpak na black box

-
Naghugas kamay ang pamunuan ng Laoag International Airlines (LIA) matapos matuklasan ng mga imbestigador na walang laman o blangko ang black box ng Flight 585 Fokker 27 aircraft na kumitil ng 19 na buhay noong nakalipas na Nobyembre 11 sa Manila Bay.

"Selyado ng aircraft manufacturers ang tinatawag na black box na inilalagay sa mga eroplano kaya hindi dapat isisi sa amin kung walang impormasyon na nakuha dito", ani Alvin Yater, tagapagsalita ng LIA.

Sinabi pa nito na walang kinalaman ang LIA kung sira o hindi ang black box dahil nakakabit na ito sa eroplano nang bilhin ito sa manufacturer.

Sa isinagawang imbestigasyon, natuklasan ng mga aviation technicians na hindi nai-rekord ang detalye ng Flight 585 kaya wala ni isa mang impormasyon na makukuha dito.

Ang black box na ginagamit ng Laoag Air, ayon pa kay Yater ay ipinapadala sa aircraft manufacturers tuwing ika-apat na taon para ikondisyon. Isang taon pa lamang ang nakakalipas mula nang huling ikondisyon ang black box ng Flight 585, dagdag pa ni Yater.

Binanggit pa nito na ang black box ay isang instrumento na walang kinalaman sa kaligtasan ng operasyon ng isang eroplano dahil ito’y isa lang recording device. (Ulat ni Butch Quejada)

ALVIN YATER

BINANGGIT

BLACK

BOX

BUTCH QUEJADA

ISANG

LAOAG AIR

LAOAG INTERNATIONAL AIRLINES

MANILA BAY

YATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with