^

Metro

4 na dayuhang aktor at aktres lumutang sa BI

-
Apat na dayuhang mga aktor at aktres ang pinagmulta ng Bureau of Immigration ng tig-P100,000 makaraang mapatunayang nagtatrabaho sa bansa ng walang kaukulang working permit.

Nagreport kay Immigration Commissioner Andrea Domingo kahapon sa tanggapan ng BI sina Nadine Schmidt, isang German; Anne Curtis, isang Australian; Jeffrey Rodriguez, New Zealand at Greg Martin, isang American.

Inamin ng mga nabanggit na dayuhan na nagtatrabaho sila sa bansa ng walang kaukulang working visas at pawang mga holder ng tourist visa.

Dahil dito, agarang inatasan ni Domingo ang mga nabanggit na magsumite ng kanilang aplikasyon para sa special work permit sa bureau bago maipagpatuloy ng mga ito ang kanilang mga trabaho.

Binigyan din ni Domingo ang mga nasabing aktor at aktres ng tig-isang buwang palugit upang magsumite ng kanilang petisyon para sa ‘recognition’ bilang mga Filipino citizens o mga permanent resident visas. Sa kabilang banda, sinabi naman ni Atty. Roy Almoro, executive director ng BI na tanging si Curtis lamang ang nagmanipesto ng kanyang intensyon para makilalang Filipino. (Ulat ni Jhay Quejada)

ANNE CURTIS

BUREAU OF IMMIGRATION

DOMINGO

GREG MARTIN

IMMIGRATION COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

JEFFREY RODRIGUEZ

JHAY QUEJADA

NADINE SCHMIDT

NEW ZEALAND

ROY ALMORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with