Pulitika sinisilip sa pag-ambus sa vice mayor
November 26, 2002 | 12:00am
Pulitika ang isa sa mga anggulong iniimbestigahan ng pulisya sa pananambang at pagpaslang sa Vice-mayor ng Rizal, Zamboanga del Norte, kamakalawa sa Muntinlupa City.
Malaki ang paniwala ng Muntinlupa police na may malaking kinalaman sa pulitika ang naganap na pag-ambush kay Vice-Mayor Perfecto Cebedo.
Nabatid na may ilan ng lead ang pulisya laban sa apat na hindi nakikilalang suspect na pumaslang sa biktima at patuloy ang isinasagawang operasyon laban sa mga ito.
Magugunitang sugatan din sa naturang insidente ang misis ni Cebedo na si Julieta, 56.
Galing ang mag-asawa kasama ang kanilang dalawang anak, isang pamangkin at driver na si Marclyn Gabrines sa Bilibid at dinalaw si dating Congressman Romeo Jaloslos noong Linggo.
Pauwi na ang mag-anak sa Las Piñas ng harangin ng mga suspect. Sinasabing iniligtas ng Vice mayor ang buhay ng kanyang pamilya ng bumaba ito sa sasakyan at magpahabol na lamang sa mga suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am