Terorista pumuga sa BI detention cell
November 26, 2002 | 12:00am
Isang terorista na nakaditine sa Bureau of Immigration (BI) ang iniulat na pumuga sa gitna ng nagaganap na riot sa naturang piitan.
Si Chack Aslauyan na sinabing isang Armenian, ay matagal na rin umanong tumatanggap ng VIP treatment sa BI detention cell.
Nabatid ang naturang puganteng terrorist ay una nang nadakip ng mga tauhan ng NBI sa paniwalang ito ay kaalyado ng Al Queda Network ni Osama bin Laden.
Sinamantala umano ng teroristang Armenian ang pagkakagulo sa loob ng kulungan ng magkaroon ng riot dito noong nakaraang Linggo ng gabi.
Ngunit, sinabi naman ng ilang BI insider na imposibleng makatalon sa bintana ang dayuhan dahil sa maliit lamang ang bintana sa loob ng kulungan at hindi kakasya ang tao dito.
Nabatid na ang nasabing dayuhan ay malayang nakakapasok sa tanggapan ni Acting Intelligence Division Chief Col. Lino Calingasan na matatagpuan sa ikalawang palapag ng BI. Itinanggi naman ito ng isang tauhan ni Calingasan. (Ulat nina Grace dela Cruz at Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am