Anak isinama ng amang tumalon mula sa bubungan ng ospital, patay
November 26, 2002 | 12:00am
Isang anim na taong gulang na batang lalaki ang iniulat na nasawi makaraang isama siya ng kanyang ama na pinaniniwalaang sabog sa ipinagbabawal na gamot sa pagtalon mula sa ika-anim na palapag na siyang roof top ng Ospital ng Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Nasawi si Glarian Nikki, dahil sa lakas ng pagkabagsak, samantalang nakaligtas naman ang kanyang ama na si Edgardo Ramos, 34, ng Prado Siongco, Lubao, Pampanga.
Nabatid mula sa isinagawang imbestigasyon ng WPD Homicide Division, dakong alas-8 ng gabi kamakalawa ng maganap ang insidente sa Ospital ng Tondo.
Ayon sa ulat, bigla na lamang umanong pumasok sa nasabing ospital si Ramos kasama ang anak nito at mabilis na nagtatakbo sa roof top ng pagamutan na parang may kinatatakutan.
Ayon sa mga saksi, nakita na lamang nila ang ginawang pagtalon ni Edgardo kasama ang paslit na anak na tuluyang nahulog sa lapag.
Bumagsak ang bata sa bubong ng mga kabahayan sa likod ng nasabing ospital, samantalang hindi naman naging grabe ang pagbagsak ng ama nito na nakaligtas sa kamatayan.
Sinabi ni Edgardo na may humahabol umano sa kanya kaya naisipan niyang pumasok sa pagamutan kasama ang kanyang anak at saka tumalon buhat sa roof top.
Gayunman, nakatakdang sampahan ang ama ng bata ng kasong parricide. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am