^

Metro

1 holdaper patay, 2 pa tiklo sa CPD police

-
Patay ang isang hinihinalang holdaper habang nasakote naman ang dalawa pa nitong mga kasamahan matapos makipagpalitan ng putok sa mga elemento ng Central Police District sa hangganan ng Quezon at Pasig City kahapon ng umaga.

Tadtad ng tama ng bala sa katawan ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Tootsie habang nasa selda naman ngayon sina Raul Ocampo,30 at Virgilio Brazil, 35, pawang mga residente ng Tatalon, ng nasabing lungsod.

Nabatid na isang Marife Dumatag ang hinoldap ng mga suspek dakong alas-5:30 at kinuha dito ang isang 3310 Nokia cellphone at hindi batid na cash.

Makaraang holdapin si Dumatag ay kaagad na sumakay sa kanilang get-away car na isang itim na Datsun na may plakang NCU-607. Hindi pa nakakalayo ang mga suspek nang madaanan ng nagpapatrulyang CPD Stn. 7 Mobile Patrol Unit sa pamumuno ni Supt. Rosendo Franco ang biktima kung kaya’t mabilis nitong hinabol ang grupo ng mga holdaper.

Nang umabot sa hangganan ng Quezon at Pasig City ang habulan at masukol ng grupo ni Franco ang mga suspek ay agad na pinaputukan sila ng mga ito, gayunman ay kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad na umutas sa suspek na si Tootsie.

Sa takot na matulad sa kasamahan ay agad ding sumuko ang dalawa pang holdaper na lulan ng nasukol na get-away car. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

CENTRAL POLICE DISTRICT

ELLEN FERNANDO

MARIFE DUMATAG

MOBILE PATROL UNIT

PASIG CITY

QUEZON

RAUL OCAMPO

ROSENDO FRANCO

VIRGILIO BRAZIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with