^

Metro

Buntis nahulog sa tulay kawayan tumusok sa tiyan

-
Nasawi ang isang ginang kasama ang sanggol sa sinapupunan nang mahulog sa isang tulay na kawayan at tumusok ang tiyan sa mga nakausling kawayan, kamakalawa ng hapon sa bayan ng Navotas.

Nakilala ang nasawi na si Elizabeth Gregorio, 36, ng Tabing-Dagat, Bagog, Brgy. Daang Hari ng nasabing bayan.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon sa isang tulay hindi kalayuan sa bahay ng ginang.

Nabatid na kasalukuyang tumatawid ang ginang sa naturang tulay na may dala pang isang baldeng tubig nang biglang maputol ang nasabing tulay dahilan upang mahulog ito.

At sa kanyang pagbagsak minalas pang natusok ang tiyan nito sa nakausling kawayan sa ilalim ng tulay.

Ayon sa ilang residente sa nasabing lugar, hindi lamang ang pagkamatay ni Gregorio ang aksidenteng naganap sa tulay dahil na rin sa umano’y hindi pag-aksyon ng lokal na pamahalaan na maipaayos ang daanan dito. (Ulat ni Rose Tamayo)

AYON

BAGOG

BATAY

BRGY

DAANG HARI

ELIZABETH GREGORIO

GREGORIO

NABATID

NAKILALA

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with