Yaya pinatay ng akyat-bahay gang
November 24, 2002 | 12:00am
Isang 18-anyos na katulong ang pinatay sa saksak ng pinaniniwalaang grupo ng akyat-bahay gang na nanloob sa bahay ng kanyang amo sa Parañaque City, kahapon ng umaga.
Nakilala ang nasawi na si Mediel Encarnacion, tubong Dumaguete City at naninilbihang katulong sa isang Korean sa #34 Andrew St., Multinational Village, Brgy. Moonwalk ng nabanggit na lungsod.
Ito ay nagtamo ng pitong saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Samantala, kaagad na tumakas ang limang hindi pa nakilalang suspect tangay ang hindi pa mabatid na halaga na kinabibilangan ng cash at mga alahas.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Odeo Cariño, ng CID, Parañaque City naganap ang insidente sa pagitan ng alas-6 hanggang alas-7 ng umaga.
Nabatid na nakuhang makapasok ng mga suspect sa naturang bahay at hinanap ang amo ng nasawi.
Nang hindi matagpuan ang Koreano ay ang katulong na si Mediel ang pinagdiskitahan ng mga itong saksakin.
Matapos ang isinagawang krimen mabilis na nagsitakas ang mga suspect dala ang hindi pa mabatid na halaga na kinabibilangan ng mga alahas at cash na kinuha sa kahe de yero ng dayuhan.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am