^

Metro

P .8-M halaga ng pekeng sapatos nasamsam

-
Umaabot sa P800 milyong halaga ng mga pekeng sapatos ng Adidas at Nike ang kinumpiska ng mga elemento ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isinagawang magkakasunod na raid sa iba’t ibang retail outlets at bodega, kamakalawa sa Pasay City.

Sa ulat ni CIDG chief, C/Supt. Eduardo Matillano, lumapit sa kanilang tanggapan ang mga representative ng Nike International Ltd. USA at Adidas-Salomon AG of Germany kung saan inireklamo nila ang lantarang pagbebenta ng mga peke nilang mga produkto.

Agad na kumuha naman ng search warrant ang CIDG na ipinalabas ni Judge Alfredo Flores ng Pasig RTC Branch 67.

Dito sinalakay ng may 211 tauhan ng CIDG sa pamumuno ni Sr. Supt. Charlemagne Alejandrino ang Galeria Bldg. at Baclaran Terminal Mall sa Taft Avenue; Merwin’s Mart at Sunshine Fastfood and Trading sa F.B. Harrison sa Pasay City kung saan nakumpiska ang may dalawang trak ng mga sapatos.

Naging maayos naman ang naturang mga raid kung saan kasama ng mga pulis si Atty. Carlo Carag ng Adidas Phils. at 15 pang abogado ng Nike.

Sa inisyal na impormasyong nakalap, nabatid na nagbuhat pa sa Tsina ang naturang mga pekeng produkto na ipinupuslit sa bansa nang walang kaukulang papeles. (Ulat ni Danilo Garcia)

ADIDAS PHILS

BACLARAN TERMINAL MALL

CARLO CARAG

CHARLEMAGNE ALEJANDRINO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DANILO GARCIA

EDUARDO MATILLANO

GALERIA BLDG

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with